October 19, 2008
Si Bal, si Al
Si Bal ay Bisaya at si Al ay Batangueno
Kapwa ko kasama sa trabaho at kinalaunan ay naging mga kumpare
Sampung taon kami magkakasama sa isang unibersidad sa dakong Maynila
Nag-aayos, nagbubuhat at nag-lilipat ng kung anu-anong mga bagay bagay
Minsan ay ilalagay doon at minsan naman ay ilalagay dito
Isasabit at tatangalin at isasabit muli
Walang katapusan na utos ni Ma’am
Tagaktak ang pawis ni Bal gayun din si Al
Kawawa naman
Hayaan n’yo at mam’ya ay papainumin ko naman kayo
Pero sa ngayon ay sige at buhat na naman tayo
Kailangan matapos ngayon gabi at bukas ay simula na
Ay naku may utos pa uli si Ma’am
Ilipat daw yun dito at ilagay ‘to dun
pasensya na mga pare ko
Sige at iusog mo pa na kaunti
Pareng Bal pagkatapos nito ay lampasuhin mo uli ‘yun banda ‘dun
Sige t’song
Pareng Al pagtapos ay walisan mo ‘dun
Sige p're
‘di nagtagal ay ako ay lumisan
at sila ay iniwan
paalam pareng Bal, gayun din sa iyo pareng Al
matagal muli bago kami nagkita-kita
matanda na si Bal, gayun din si Al
minsan pa muli ay kami ay nag-inuman
sinundo ko si Al at kami ay nagpunta sa bahay ni Bal
medyo nagkaiyakan pa ng kaunti
at medyo nagkayakapan
masaya naman kami kahit ganito lang
aba pagkaraan lang ng ilang araw ay nagpaalam na si Al
Pareng Bal, wala na si pareng Al
Magpahinga ka na pareng Al
sadyang malungkot magpaalam sa isang kaibigan
lumakad ang panahon at si Bal naman ang nagpaalam
Pagod na rin siguro si Bal sa buhay
wala na si Bal gayun din si Al
Paalam mga mahal kong kaibigan
Magkikita kita tayo muli para mag-inuman
At dun ay wala na si Ma’am
‘di na kayo magbubuhat at ‘di na rin pagtutulak
Paalam pareng Bal, ganyun din sa iyo pareng Al
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment