October 14, 2008
SanDasal
Hindi na mapilit ang sarili upang dumalangin at dumulog pa muli sa kinagisnang Diyos.
Hindi ba niya naririnig ang damdamin kong nagsusumigaw sa galit?
Hindi ba niya nararamdaman ang lamig ng nadurog kong puso?
Mayroon pa bang hihigit sa katotohanang ito?
Mga nabubulok na laman ng damdamin at isipan na hindi mabigyan ng laya ng dahil na rin sa kakulangan ng salitang natutunan.
At dahil dito ay mananatili na lamang bilango sa isip at damdamin…
at paglaon ay hahawaan ng taglay na sakit ang kalahatan ng kinaluluklukan.
Siguro’y wala ng hihigit pa sa lahat ng uri ng dalangin ang katotohanang ito.
Noon sana’y diningin man lamang ang sasaloobin bago pa tuluyan ng nalunod sa luha…bago pa tuluyan ng dinurog ng nagsusumikip na dibdib…bago pa nilamon ng galit ang nalalabi pang pagkatao.
Tama na... ayoko na.
At hindi na kakailangin pa ang tulong upang maiintindihan ang mga nangyari.
Matagal nang nakapinid ang pinto. Pilitin man ay hindi na magawang bigyan pa ng puwang upang tanggapin ang kapunuan ng kakulangan.
Suko na.
Wala na ring dahilan.
Hindi rin lamang maiwawaksi sa isipan ang sumpang ito.
Isang bangungot na hindi na kagigisnan pa.
Diyos ko, ako'y nagsusumamo sa iyo muli hindi para hilingin na pawiin mo ang sakit o kaya’y ibsan lamang ang bigat ng pasanin.
Hindi...
ipakikiusap ko lamang na kung ang puso ay durog na…
isipan at damdamin ay patuloy na sinasaktan at ginugulo ng nakalipas…
ay kunin na rin ang aking kaluluwa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment